Nagwagi bilang bagong pangulo ng Ukraine ang komedyanteng si Volodymyr Zelensky.
Kasunod ito nang pagtanggap nang pagkatalo ng kaniyang katunggaling incumbent President na si Petro Poroshenko.
Una na kasing nagwagi si Zelensky sa unang round ng presidential elections nang makakuha ito ng 70% na suporta mga mamamayan.
Bago ang pagsabak sa politika, bumida pa ang 41-anyos na komedyante sa isang comedy show sa papel na desperadong teacher na naging pangulo ng Ukraine makaraang “mag-viral” sa social media ang kanyang mga reklamo laban sa koropsiyon.
Ito ay ang TV series na “Servant of the People.”
Tiniyak naman ni Zelensky sa kanilang mamamayan na hindi sila mabibigo sa pagluklok sa kaniya.
Batay sa lumutang na exit poll, ang bagitong politiko ay nanalo raw mula sa nakuhang 73.2% na mga boto laban kay Poroshenko na 25.3%.
Sinasabi ng ilang analysts na ang pagboto sa aktor ay maituturing na “protest vote.”
Pagod na raw kasi ang taongbayan sa limang taon na rin na “proxy war” laban sa h Russia.
Kung maaalala ang Russia’s annexation sa Black Sea peninsula na Crimea noong taong 2014 ay nagpatindi pa sa tensiyon.
Tuloy din ang pakikipaglaban ng Ukrainian troops kontra sa Russian-backed separatists na binibigyan ng military support ng Moscow.
Nagpatupad pa si Poroshenko martial law dahil daw sa nalalapit na Russian invasion makaraang tatlong Ukrainian navy ships ang hinarang ng Russia kung saan ikinulong pa ang 24 sailors.