-- Advertisements --
Napili bilang host ng Oscars Awards ang komediyanteng si Conan O’Brien.
Kinumpirma ng organizers na papalitan ng 61-anyos na si O’Brien ang kapwa komediyante na si Jimmy Kimmel.
Sinabi nina Academy CEO Bill Kramer at President Janet Yang na perpektong tao si O’Biren para sa pagdiriwang ng film at kakaibang saya.
Si O’Brien ay five-time Emmy winner na naging host ng ilang mga late-night talk show kabilang ang “The Tonight Show” at maraming iba pa.
Gaganapin ang 97th Academy Awards sa darating na Marso 2, 2025 sa Dolby Theater sa Hollywood.