-- Advertisements --
Volodymyr
Volodymyr Zelensky/ IG post

Malaki ang tsansa na maging pangulo ng Ukraine ang komedyanteng si Volodymyr Zelensky.

Ito ay dahil sa lamang siya laban sa katunggaling kasalukuyang pangulo na si Petro Poroshenko sa ginaganap na halalan.

Bagamat sa susunod pa na linggo malalaman ang nanalo sa halalan ay lumalabas na lamang na ang 41-anyos na pangulo.

Noong unang round ng halalan sa Abril 1 ay nakakuha na ito ng 30% habang ang katunggali ay 16% lamang ang nakuha ng 53-anyos na imcumbent president.