-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Umaasa ang Filipino community sa Amerika na lalo pang makilala ang mga Pinoy actors sa Hollywood kagaya ng nagawa na ng iba pang mga Asians katulad ng Japanese, Chinese at mga Koreans.

Ito ang sinabi ni Bombo International Correspondent Greg Aguilar matapos ang popularidad ng komedyanteng Fil-Am na si Jo Koy na unang sumikat sa Netflix.

Ayon kay Aguilar proud sila na isang Fil-Am ang nakatakdang bumida sa isang TV show sa prime time mainstream TV.

Sa pamamagitan aniya ng 50-anyos na si Jo Koy o Joseph Glenn Herbert sa totoong buhay at ipinanganak sa Tacoma, Washington, umaasang magbubukas ito ng pinto sa iba pang mga artistang Pinoy na makakuha ng international projects.

Dagdag pa ni Aguilar na si Jo Koy ay kilala ngayon bilang isa sa pangunahing Asian comedians sa buong mundo.

Sa bibidahang sitcom, gaganap siya bilang Pinoy nurse na ang settings at mga dialogue ay halos maka-Pinoy.