Lubos ang pasasalamat ng komedyanteng si Atak Araña matapos siyang mapawalang-sala sa kasong sexual harassment.
Sa online post nito, nagpasalamat ang komedyante sa kanyang abogado at mga kaibigan na tumulong sa kanya gaya nina Nadia Montenegro at Ai Ai Delas Alas.
Matatandaan na noong 2017 ay inaresto si Atak Araña matapos umanong halikan at dakmain ng komedyante ang maselang bahagi ng katawan ng bellboy assistant sa isang casino and hotel resort sa Parañaque City.
Ngunit mariin itong itinanggi ng komedyante sa isang panayam. Aniya, nagpa-autograph pa umano ang bellboy assistant at kaagad siyang umalis sa kwarto para pumunta ng Casino.
Para sa abogado ni Atak na si Atty. Garduque, pinabulaanan na raw ng Court of Appeals ang kaso laban kay Atak na ilang taong nahusgahan at binansagang sexual harasser. Nasira umano ang karera ng komedyante kaya ito raw ang patunay na wala itong kasalanan.