-- Advertisements --

Nasa pagamutan ngayon ang komediyanteng si Ate Gay o Gil Morales sa totoong buhay dahil sa pneumonia.

Sinabi ng kapatid nitong si Mary Ann Morales, na noong Marso 25 ng itakbo nila ang stand-up comedian dahil sa paghina ng kaniyang immune system.

Gumaganda naman aniya ang kaniyang kalusugan at umaasa ito ay magtuloy-tuloy na.

Patuloy pa rin ang panawagan ng komedyante ng pagdarasal para sa agarang paggaling nito.