-- Advertisements --

Kinumpirma ng pamilya ng komedyanteng actor na si Dinky Doo Jr. ang pagpanaw nito ngayong araw.

Binawian umano ng buhay ang actor kaninang alas-7:20 ng umaga.

Nabatid na pumanaw si Dinky dahil sa kanyang karamdaman.

Nabatid na taong 2008 ay napabalita ang pagkakaroon niya ng diabetes at mga komplikasyon na dulot ng high blood.

Bumuhos naman ang pakikiramay sa pamilya ng komedyante, pati na ang mga kasamahan ng actor sa MCGI.

Ilan sa mga pelikulang ginanapan ni Dinky ay ang “Suddenly It’s Magic,” “Bala at Lipistik,” at “The Fighting Chefs.”