-- Advertisements --

Kinumpirma ng pamilya ng komedyanteng actor na si Dinky Doo Jr. ang pagpanaw nito ngayong araw.

Binawian umano ng buhay ang actor kaninang alas-7:20 ng umaga.

Nabatid na pumanaw si Dinky dahil sa kaniyang karamdaman.

“Family, Friends, Brethrens… This is his daughter speaking po. I’m here to inform po na wala na po si daddy. 7:20 AM of July 2, 2024, he was pronounced dead. Please, all your prayers to my father and family for him to rest peacefully would be very appreciated. Like daddy would say, Salamat po sa Dios sa lahat po ng nangyayari.”

Nabatid na taong 2008 ay napabalita ang pagkakaroon niya ng diabetes at mga kumplikasyon na dulot ng high blood.

Bumuhos naman ang pakikiramay sa pamilya ng komedyante, pati na ang mga kasamahan ng actor sa MCGI.

Ilan sa mga pelikulang ginanapan ni Dinky ay ang “Suddenly It’s Magic,” “Bala at Lipstik,” at “The Fighting Chefs.”