-- Advertisements --

Pumanaw na ang ang komediyante sa US na si Erica Ash sa edad 46.

Sinabi ng ina nitong si Diann, na dahil sa cancer kaya ito namayapa sa kanilang bahay sa Los Angeles.

Nakilala ang actress sa parody series na “Mad TV” at “Real Husbands of Hollywood”.

Ginaya niya si Michelle Obama at Condoleezza Rice sa “Mad TV”.

Nakasama rin siya sa mga pelikulang “Scary Movie V” “Uncle Drew” at “Survivor’s Remorse”.

Bumuhos naman ang pakikiramay mula sa mga nakasama nito sa industrya matapos na mabalitaan ang insidente.