-- Advertisements --
Humihingi ng pagdarasal para sa mabilisang paggaling ng malapit na kaibigan ng stand-up comedian na si Kim Idol.
Ito ay matapos na itinakbo sa pagamutan dahil sa sakit sa utak.
Dumaranas kasi ito ng Arteriovenous Malformation (AVM) o ang sakit sa blood vessels na siyang humaharang sa magandang daloy ng dugo at oxygen.
Taong 2015 ng ipaalam sa publiko ng komedyante ang nasbing sakit nito.
Lumala lamang ang sakit nito ng magpa-CT Scan ito ng pagdurugo sa kaniyang utak.
Pinangunahan naman ng kaibigan nitong sina Teri Onor at Super Tekla ang paghingi sa publiko ng pagdarasal para sa paggaling ng kapwa nilang komedyante.