-- Advertisements --
Bumuhos ang pakikiramay mula sa kaniyang mga fans at sa mga local showbiz industries matapos ang paglabas ng balitang pagpanaw ng komedyanteng si Mahal o Noeme Tesorero sa tunay na buhay sa edad 46.
Kinumpirma mismo ng kaniyang step mother na si Josefa Tesorero ang pagpanaw ng nasabing komdeyante.
Hindi na nagbigay pa ng anumang detalye ito kung ano ang naging sanhi ng pagpanaw ng komedyante.
Ang 3 feet na komedyante ay sumikat sa mga iba’t-ibang pelikula gaya ng “Anak ni Janice” noong 1991, “Kokey” noong 1997.