Pumanaw na ang komedyanteng si Shalala o Carmelito “Tolites” Reyes sa tunay na buhay sa edad 61.
Kinumpirma ng kaniyang kapatid na si Anthony Reyes nitong umaga ng Hunyo 23 dahil sa pulmunary tuberculosis.
Dagdag pa nito na noong Linggo ay dinala siya sa National Kidney Institute at pinayagan na rin lumabas dahil sa gumanda na ang kaniyang kalagayan.
Dumating ang Hunyo 22 ay itinakbo muli siya sa Fe del Mundo Medical Center matapos na bumagsak ang kalusugan kung saan sinubukan siyang irevived subalit hindi na ito nakayanana.
Bago sumikat sa showbiz ay nagtrabaho ito sa bilang advertising and promotions coordinator ng iba’t-ibang film industry gaya ng Maverick Films, Millenium Films at Viva Films.
Pinasikat siya sa radyo at tv ng namayapang si German “Kuya Germs” Moreno kung saan siya din ang nagpangalan na Shalala.
Nagkaroon siya ng ilang programa sa TV at radyo at lumabas din ito sa ilang pelikula.