Nag courtesy call, kahapon, Huwebes ng hapon si Komeito Party Chief Representative (Member of the House of Councillors of the National Diet of Japan), si Hon. Yamaguchi Natsuo kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa House of Representatives.
Malugod na tinanggap ni Speaker Romualdez si Party Chief Natsuo, at kinilala ang malakas na relasyong bilateral ng Pilipinas at Japan, na ayon sa kanya ay higit pang lumalim sa mga lumipas na taon.
Sinabi ni Hon. Natsuo, layon ng Japan na palawigin ang tulong para sa pagpapaunlad ng imprastraktura ng bansa, upang mapagaan ang nakapanlulumong epekto ng mga kalamidad.
Ipinahayag din ni Natsuo ang malakas na suporta ng Japan para sa Pilipinas hinggil sa mga usapin sa karagatan ng bansa.
Inalok ni Hon. Natsuo ng tulong ng Japan sa pagpapatatag ng kakayahan ng mga tauhan sa seguridad sa karagatan.
Sa kabilang dako, sa naging pulong nina Pang. marcos at Natsuo, kapwa nangako ang dalawang opisyal na palakasin ang PH-Japan sa security, defense at trade partnerships.
Kinilala din ng chief executive ang tulong ng Japan sa Pilipinas partikular sa security and defense na layong mapanatili ang kapayapaan sa Southeast Asia at sa mga kapitbahay na bansa.
” We must acknowledge the very important contributions that Japan has made to the Philippines in terms of not only training, not only in terms of equipment, but also in the agreements that we have been able to forge between our two countries in terms of cooperation, in terms of preserving the peace and allowing the free conduct of trade and shipping the South China Sea,” pahayag ng Pang. Marcos Jr.