Nahaharap ngayon sa kritisismo at mga katanungan ang Amazon tungkol sa kanilang health and safety policies sa isang bodega sa estado ng Illinois sa US matapos na mamatay ang anim na manggagawa nang wasakin ng buhawi ang gusali.
May nagsabi na hindi ito nangyayari kung may pakialam sila sa buhay ng kanilang tao kumpara sa kanilang productivity.
Iginiit naman ni Amazon spokesperson Kelly Nantel na ikinalungkot nila ang nasabing pangyayari.
Sinabi ng kumpanya na ang team nito ay “mabilis na nagtrabaho” bilang tugon sa buhawi.
Ngayon, lumabas ang mga tanong kung may shelter na magagamit, kung ang mga manggagawa ay pinayuhan na pumunta doon kaagad, at kung ang mga shift ay dapat na nauna nang gabing iyon, dahil sa mga babala ng masamang panahon.
Nilinaw naman ng kompaniya na ang kanilang team ay nagtrabaho ng “napakabilis” upang matiyak na maraming mga empleyado nito ang makakarating sa kanilang shelter site.
Magugunitang mahigit 70 na ang patay mula sa Kentucky habang marami ang missing dahil sa pananalasa ng 50 buhawi.