-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Iniimbestigahan ngayon ng Hong Kong government ang kompanya na nasa likod ng pagpapadala ng electronic wastes na inilagay sa container van at ipinuslit sa Mindanao Container Terminal (MCT) sa bayan ng Tagoloan, Misamis Oriental.

Ito ay matapos personal na idulog ni MCT collector John Simon ng Bureau of Customs (BoC) ang usapin kung saan agad ipinakilos ang envinronmental bureau office ng Hong Kong upang tukuyin ang Chinese company na responsable sa pagpuslit ng mapanganib na basurang nakapasok sa Pilipinas.

Ginawa ni Simon ang pahayag kaugnay ng tuliyang pagkuha ng mga basura na isakay sa barko na SITC Nagoya sa MCT ng lalawigan nitong Lunes ng umaga.

Sinabi sa Bombo Radyo ni Simon na tiniyak umano ng Hong Kong na bibigyang leksyon ang kompanya na nasa likod ng pagtatambak ng basura sa Pilipinas kaya ibinigay rin nito ang hawak na mga ebidensiya.

Magugunitang ang Hong Kong electronic waste ay isa tatlong imported waste materials na naharang ni Simon nna unang nakapasok sa Misamis Oriental.

Una nang gumawa ng ingay ang pagkakatuklas sa halos 7,000 tonelada ng mga basura ng Verde Soko Philippines ng South Korea at processed engineered fuel ng Holcim Philippines Incorporated na nagmula naman sa Australia.