DAVAO CITY – Pormal nang sinimulan ang National Private Schools Athletic Association (Prisaa) Games 2019 sa University of Mindanao (UM) track oval sa lungsod.
Ito ang unang pagkakataon na nag-host ang siyudad ng PRISAA Games mula ng sinimulan ito noong 1953.
Ayon sa mga organizers may 5,249 mga atleta ang makikiisa sa anim na araw na kompetisyon.
Sinabi naman ni National Prisaa President Ma. Lita Montalban na nakahanda ang organizing commitee na simulan ang mga laban matapos ang opening kahapon ng PRISAA 2019.
Napag-alaman na mahigpit na seguridad ipinatupad ngayon ng Public Safety and Security Command Center (PSSCC) kung saan nasa 4,368 ang dineploy na mga personahe para magpatupad ng seguridad sa buong linggo na mga palaro.
Una na rin na sinabi ni Montalban na hindi nagkulang ang siyudad sa isinagawang preperasyon sa PRISAA 2019 lalo na at buo ang suporta na ibinigay sa kanila ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio.
Hindi nakadalo ang alkalde sa opening ceremony ngunit nagpadala ito ng kanyang representante pati na rin si Education Secretary Leonor Briones.
Dumalo naman sa aktibidad si Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch†Ramirez at Commission on Higher Education (Ched) chairman Dr. J. Prospero E. De Vera III.