Lumabas sa pag-aaral ng World Health Organization (WHO) na maituturing na at risk sa coronavirus disease (COVID-19) ang mga regular at malakas gumamit ng sigarilyo.
Ayon sa WHO-Regional Office for the Eastern Mediterranean, pinaka-posibleng tamaan ng sakit yung mga diagnosed ng kondisyon sa cardiovascular and respiratory system dulot ng tobacco smoking.
Batay sa pag-aaral, malaking porsyento ng mga namatay mula sa 60,000 laboratory confirmed cases ng COVID-19 sa China ay may pre-existing condition tulad ng mga nabanggit na karamdaman, pati na altapresyon at cancer.
“This demonstrates that these pre-existing conditions may contribute to increasing the susceptibility of such individuals to Covid-19.”
Bagamat hindi pa nae-establish ang direktang ugnayan ng paninigarilyo at COVID-19, malinaw raw na inaatake ng pandemic virus ang respiratory system ng isang infected na tao.
Paliwanag ng WHO, hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang direktang epekto ng pagyo-yosi sa baga na kapag hindi natutukan ay nagre-resulta sa lung cancer, tuberculosis infection at iba pa.
“Further, tobacco use is also the most important risk-factor for chronic obstructive pulmonary disease (COPD), causing the swelling and rupturing of the air sacs in the lungs, which reduces the lung’s capacity to take in oxygen and expel carbon dioxide, and the build-up of mucus, which results in painful coughing and breathing difficulties.”
Iba naman ang usapin pagdating sa risk ng pagkakaroon ng sintomas at pagkamatay sa COVID-19 ng mga may komplikasyon sa puso.
Ayon sa WHO, maihahanay ang strain ng virus na nagdudulot sa COVID-19, sa epekto ng MERS-CoV at SARS-CoV na nag-iiwan din ng cardiovascular damage.
Makikita raw sa resulta ng mga pag-aaral na naging at risk sa severe symptoms ng COVID-19 ang mga pasyente sa China na may komplikasyon sa puso.
“In addition, there is evidence that COVID-19 patients that have more severe symptoms often have heart related complications.”
“This relation between COVID-19 and cardiovascular health is important because tobacco use and exposure to second-hand smoke are major causes of CVDs globally.”
Dagdag pa ng WHO, pinalalala pa ng COVID-19 ang cardiovascular system ng mga may pre-existing conditions dito.
” In addition, a weaker cardiovascular system among COVID-19 patients with a history of tobacco use could make such patients susceptible to severe symptoms, thereby increasing the chance of death.”