-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Patay on the spot ang isang negosyante sa pamamaril dakong alas 8:50 kagabi sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Jimboy Mangulabnan,42 anyos,komprador ng prutas,may asawa at residente ng Makilala Cotabato.

Ayon sa ulat ng pulisya na naglalakad lamang ang biktima sa gilid ng national highway tapat lamang ng municipal hall sa bayan ng Makilala Cotabato ng biglang barilin ng mga hindi kilalang suspek gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin lulan sa isang motorsiklo patungo sa direksyon ng Kidapawan City.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang biktima kaya agad binawian ng buhay.

Hanggang ngayon ay blangko pa ang Makilala PNP sa pamamaril patay sa biktima at patuloy pa silang nag-iimbestiga.