Isinusulong ng isang mambabatas ang pagkakaroon ng isang komprehensibong health insurance para sa mga public school teachers at taunang P7,000 medical allowance para sa paggamit ng nasabing benepisyo.
Ipinanukala ni Bicol Saro Partylist Rep. Brian Raymund Yamsuan ang House Bill No. 10990 na layong planuhin ng Department of Education na mabigyan ng health maintenance organization (HMO)-type of coverage ang mga guro mula sa mga pampublikong paaralan.
” Our bill also promotes preventive healthcare. With HMO-type benefits, our usually overworked public school teachers would be albe to maintain their well-being and get treatment when necessary wihout heaving to worry about mounting medfical expenses, long before health concerns become severe or life -threatening,” pahayag ni Rep. Yamsuan.
Nasa halong isang milyong mga public school teachers ang ansa basic education system ang makikinabang sa sandaling maging ganap na batas ang nasabing panukala.
Ayon kay Yamsuan, layon ng paghahain niya sa nasabing panukalang batas ay para matiyak ang pagkakaroon ng mas malawak na benepisyong pangkalusugan para sa mga public school teachers at magiging permanente at bahagi ng kanilang mga benepisyo.
Pinuri naman ni Yamsuan si DepEd Secretary Sonny Angara ang pagbibigya ng P7,000 medical allowance sa mga public school teachers na magsisimula sa susunod na taon 2025.
Sa ilalim ng Executive Orde No. 64 na nilagdaan ni pangulong Ferdinand Marcos Jr., maglalaan ang gobyerno ng P7,000 sa mga eligible government civilian personnel kabilang ang halos isang milyong mga guro.
Ang P7,000 medical allowance ay substantial increae mula sa P500 medical examination allowance na natatanggap ng mga guro nuong 2020.
Binigyang-diin din ni Yamsuan na sa ngayon ang mga guro ay walang nakukuhang paid sick leave benefits na nakukuha ng iba pang mga professionals kaya ito ang isa sa mga masaklap na nararanasan ng mga guro.
Sinabi ng mambabatas na nararapat lamang na mabigyan ng quality halthcare ang mga nasa public school teachers.