DAGUPAN CITY — Patuloy ang ginagawang komprehensibong pagpa-plano ng pamahalaang panlalawigan ng Dagupan sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Belen Fernandez.
Ito ay upang mas lalo pang mapabilis ang ginagawang pagsasaayos ng drainage system sa mga panunahing kakalsadahan sa syudad.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, inihayag nito na bagamat napalawak na ang ilan sa mga drainage ay may mga kulang pa rin sa mga lugar na hindi pa natatapos.
Subalit kumpara aniya noong hindi pa napapataasan ang kalsada at drainage ay may mga lugar na hindi madaanan.
Taliwas sa sitwasyon ngayon kung saan hindi na problema ang baha gaya na lamang sa bahagi ng A.B. Fernandez Avenue.
Mas mabilis din aniya ngayon ang paghupa ng baha sa mga dati ay nalulubog na kakalsadahan.
Kaugnay nito ay hindi naman sila tumitigil sa pakikipagpulong sa Department of Public Works and Highways para sa Phase 2 ng nasabing proyekto.