Naglatag ng isang komprehensibong security measures ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at Commission on Elections (Comelec) upang pangalagaan ang electoral process at tiyakin ang integridad ng 2025 elections.
Ito’y kasunod ng pulong ng Joint Security Control Centers at ang pagpapagana sa National Election Monitoring Center (NEMAC) kung saan dito minomonitor ang lahat ng kaganapan sa halalan.
Siniguro naman ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner ang kahandaan ng militar sa pag deploy ng mga sundalo at resources para sa gagawing election-related operations.
Binigyang-diin ni Brawner ang kahalagahan ng JSCC na siyang nagpapalakas sa koordinasyon sa pagitan ng militar, PNP at Comelec.
Sisiguraduhin naman ng AFP, PNP at Comelec na magiging safe at orderly ang halalan sa May 2025 at maging an Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Elections.
Kapwa siniguro ng dalawang security sector na inplaced ang kanilang hinandang seguridad lalo na duon sa mga lugar na isinailalim sa areas of immediate concerns.