Balik na ang linya ng komunikasyon sa Catanduanes kaninang alas-11:30 ng umaga.
Ito’y matapos i set-up ng mga tauhan ng Office of the Civil Defense Rapid Emergency Telecommunications Team ang bitbit nilang satellite.
Nawalan kasi ng Komuniskasyon sa nasabing lugar dahil sa hagupit ng Supertyphoon Rolly.
Alas-11:00 kaninang umaga ng dumating sa Virac, Catanduanes ang team sakay ang mga ito sa PCG helicopter H1452.
Ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano, ngayong mayroon ng komunikasyon magkakaroon na ng linaw hinggil sa lawak ng pinsala na dulot ng Supertyphoon sa Agriculture and Infrastructure sector.
Ayon sa Kalihim base sa inisyal na pag-uusap nito sa provincial police director nasa 90 percent ang pinsala sa sektor ng imprasktura.
Ayon naman kay NDRRMC Executive Director USec Ricardo Jalad, ongoing pa rin ang damage assessment na isinasagawa ng kanilang Rapid,Damage and Needs Assessment Team.
Kaya hinihintay pa nila ang isusumiteng report ng mga ito.
Sinabi pa ni Jalad, na ang bilang ng mga nasawi at nasugatan dahil sa Bagyo ay nasa proseso pa rin sa validation.
Aniya, sa ngayon tuloy-tuloy pa rin ang pagpasok ng mga datos mula sa mga Local Government Units.
Sinabi ni Jalad, nakatutok ang mga lahat ng mga LGUs sa kani-kanilang mga lugar lalo na nuong kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Rolly.
Ayon kay Jalad nasa mahigit dalawang milyong katao o nasa 372,653 families ang apektado ng bagyong Rolly.
10 dito ang nasawi habang isa ang sugatan at may naiulat na missing.
Nakapagtala din ang NDRRMC ng pitong road sections at 4 na tulay ang naapektuhan sa region 2,3,5 at CAR.
Nasa 1,160 pasahero, 670 rolling cargoes, 3 barko at 7 motorbancas ang stranded sa calabarzon, Mimaropa at region 5.
Nasa 5,404 na mga eskwelahan naman ang ginamit bilang evacuation centers sa regions 1,2,3,4a,4b,5,8 at NCR.