-- Advertisements --
Lumala ang kondisyon ni Pope Francis sa nakalipas na 24 na oras, ayon sa Vatican sa isang pahayag kung saan dumanas ito ng “prolonged asthma-like respiratory crisis” at nangangailangan ng pagsasalin ng dugo.
Na-admit si Pope Francis sa Gemelli hospital noong Pebrero 14 matapos na ilang araw na makaranas ng hirap sa paghinga.
Mula noon ay na-diagnose siya na may double pneumonia.
Inanunsyo ng Vatican na hindi muna makapagpapakita ang santo papa sa publiko sa Linggo upang manguna sa panalangin kasama ang pilgrims.