Umaasa si French President Emmanuel Macron na matutuloy ang naka-planong pag-uusap nina US President Donald Trump at Iranian President Hassan Rouhani.
Naniniwala umano si Macron na nakahanda na ang mga kondisyon upang maisakatuparan ang nasabing pagpupulong ngunit ayon dito, desisyon pa rin umano ng dalawang pinuno kung nanaisin nila na ituloy ito.
Sa ginawa raw kasi na magkahiwalay na meeting sa dalawang pangulo ay nakita umano ni Macron ang interes ng dalawa upang magkaroon na ng positibong progreso ang alitan na namumuo sa pagitan ng Iran at Estados Unidos.
Una rito, pinatutsadahan muna ni Trump ang Iran sa kaniyang isinagawang talumpati sa UN General Assembly kung saan sinabi nito na handang makipag-ayos ang Amerika sa Iran sa oras na makitaan nito na bukal sa loob ng nasabing bansa ang pakikipag-ayos.