-- Advertisements --

Pinaiimbestigahan ni Philippine National Police (PNP) chief police dir. Gen. Ronald Dela Rosa ang koneksyon ng mga riding-in-tandem hitmen sa “ninja cops” na ginamit umano para isabotahe ang kampanya kontra droga.

Una nang inihayag ni Dela Rosa na ang nasa likod ng riding-in-tandem ay mga ninja cop kaya nais panagutin.

Nasa proseso na rin ang PNP sa pagtukoy sa mga identity ng nasabing ninja cops na nasa likod ng riding-in-tandem criminals.

Samantala, tinukoy ni PNP spokesman C/Supt Dionardo Carlos ang walong krimen na kanilang tututukan ngayong wala na sila sa kampanya kontra droga.

Ito ay ang mga sumusunod:

1. MURDER
2. HOMICIDE
3. RAPE
4. PHYSICAL INJURIES
5. ROBBERY
6. THEFT
7. VEHICLE CARNAPPING
8. MOTORCYCLE-RIDING CRIMES

Partikular aniyang babantayan ng PNP ang mga riding-in-tandem crimes matapos magbabala ang PNP chief na ang mga riding-in-tandem kriminal ang kanyang susunod na “uupakan.”

Una nang ipinag-utos ng PNP chief sa PNP-Drug enforcement Groupna i-turnover na sa Philippine Drug Enforcement Agency ang lahat ng hawak nilang kasong may kinalaman sa droga at mag-focus nalang sa paghabol sa mga tiwaling pulis at sa mga riding-in-tandem criminals katuwang ng Counter Intelligence Task Force.