-- Advertisements --
boris johnson 2

Kabi-kabilang akusasyon ang kinakaharap ngayon ni United Kingdom Prime Minister Boris Johnson matapos nitong di-umano’y idelay ang paglalabas ng report hinggil sa impluwensya ng Russia sa nalalapit na eleksyon.

Ilang miyembro ng Intelligence and Security Committee (ISC) ang nagalit dahil sa hindi pag-apruba ni Johnson na isapubliko ng nasabing report.

Ikinagulat naman ni committee’s chairman Dominic Grieve ang naging desisyon ng prime minister. Aniya, wala raw malinaw na rason ang ibinigay sa kanila ukol dito.

Ayon pa kay Grieve, Marso pa nang makumpleto ng kanilang ahensya ang nasabing report na kaagad ipinadala kay Johnson noong October 17 at inasahan na sasagot ito sa loob lamang ng 10 araw base na rin sa longstanding agreement ng dalawa.

“The protocols are quite clear. If the prime minister has a good reason for preventing publication he should explain to the committee what it is, and do it within 10 days of him receiving the report. If not, it should be published,” saad ni Grieve.

Naglutangan din ang ilang bagong ebidensya na magpapatunay na sinubukan ng Russia na makialam sa Conservatives Party sa pamamagitan ng isang senior Russian diplomat.