Nagpahayag ng pagkabahala ang isang isang consumer group laban sa Senate Bill No. 2699, o ang Konektadong Pinoy Act na nakabinbin sa mataas na kapulungan ng Kongreso.
Ayon sa grupo, ilan sa mga nakapaloob sa probisyon nito ay maaaring abusuhin ng mga digital scammers.
Paliwanag ng grupong Bantay Konsyumer, Kalsada, Kuryente, ang paglimita sa oversight functions ng National Telecommunications Commission ay magdudulot ng pagsasara ng pinto sa mga mamimili na ilabas ang kanilang mga hinaing at reklamo laban sa kawalang kakayahan ng mga foreign service providers.
Sa ilalim ng naturang panukala, target na bawasan ang regulatory at oversight functions ng NTC.
Dahil dito ay maaaring mawalan ng mapupuntahan ang mga konsyumer para maghain ng reklamo laban sa mga service providers.
Kung maaalala, sinabi ni Senador Alan Peter Cayetano na siyang may akda sa naturang panukalang batas na ito ay layon nitong maging maayos ang access sa mabilis at affordabe na connectivity sa buong Pilipinas.