-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Kinontra ni Ako Bicol Party-list Representative Alfredo Garbin ang pahayag ng kapwa Bicolanong kongresista na si Albay Representative Edcel Lagman na “parte ng script” ng mayorya ang naging hakbang ng ilang kasapi ng maynorya na halalan sa House speakership.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Garbin, ipinaliwanag nitong consensus ng minority block ang pag-nominate kay Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante Jr.

Nanindigan pa ang kongresista na parte sila ng totoong minority block lalo na kung titingnan ang mga miyembro na kinabibilangan ng Makabayan bloc, anim na miyembro ng Liberal Party na kritikal sa administrasyon at ilang baguhang mula sa party-list coalition.

Direktang sinabi ni Garbin na walang basehan ang naging komento ng beteranong mambabatas.

Samantala, bukas naman ang minority bloc at iimbitahan pa si Lagman kung nais na pumasok sa minorya.

Sakaling tumanggi si Lagman, mananatili tiong bahagi ng independent bloc.