-- Advertisements --

Inaprubahan ng kongreso ang panukala na naggagawad ng dalawang taong validity para sa permit to carry firearms sa labas ng bahay o sa lugar ng negosyo.

Kasunod ito ng pagratipika ng Senado at ng Kamara sa validity period ng lisensiya para magmay-ari at magdadala ng baril sa labas ng bahay na nag-aamyenda sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Law.

Sa ilalim ng panukala, ang PNP chief o sinumang duly authorized representative ay mag-iisyu ng permit to carry firearms sa kwalipikadong indibidwal na nasa panganib ang buhay dahil sa nature ng kaniyang propesyon, trabaho o negosyo.

Magiging valid sa loob ng dalawang taon ang naturang permit mula sa petsa na inaprubahan ang aplikasyon maliban kung ito ay ipawalang bisa o suspendihin.

Kabilang ang mga elected incumbent at dating officials at active at retired military at law enforcement officers.

Sa naturang bill, kailangan na ma-renew ang lahat ng lisensiya para sa possession ng baril ay kada lima o 10 taon.

Kapag bigong makapa-renew ng lisensiy sa loob ng naturang period, mapapatawan ng perpetual disqualification ang may-ari ng baril mula sa pag-aaplay sa anumang firearm license.