Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kongreso ang panukalang batas sa pasuspinde ng Philhealth premium increase o ang House Bill (HB) No. 6772.
Nakakuha ito ng 273 na boto, samantalang tatlong hindi pabor sa mababang kapulungan kung saan ito ay nagbibigay ng kapangyarihan sa Pangulo na suspindehin ang increase ng premiums para sa mga direct contributors na mga miyembro.
Nakapaloob sa kanilang panukala na ang Presidente, sa pamamagitan ng rekomendasyon ng Philhealth board ay maaaring mag suspend at adjust ng period ng implementasyon sa pag dagdag ng premium rates sa panahon ng kalamidad.
Ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, ang HB No. 6772 ay makatutulong sa mga government at non-government employees na makapag ipon imbis na ipambayad sa contribution.
Inilatag niya na halos P50 umano ang masisave kada buwan at nasa P600 naman sa isang taon ng isang empleyado.
“Suspending the imposition of the new Philhealth premium rates will provide a much-needed relief during national emergencies or calamities and will assure Filipinos that the government is sensitive to their sentiments in this difficult time,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.
Layunin lamang umano nitong panukalang batas na masiguro na mabibigyan ng sapat at dekalidad na health care services ang mga tao sa mababang halaga.
Ito raw ay isinumite bunsod na rin ng kasalukuyan pang nasa recovery stage ang mga tao sa pinsalang dala ng pandemya, marami pang mga negosyo ang kakabukas lang at marami ring mga tao ang nawalan ng trabaho.