CAGAYAN DE ORO CITY -Hinimok ngayon ni Inter-Agency Task Force (IATF) National Implementer Secretary Carlito Galvez Jr ang Kongreso na gawing prayoridad ang pagbigay ng sapat na investment para sa health care system at programs bansa.
Ito ay matapos kitang-kita naman ng lahat na hindi handa ang bansa pagtugon ng mga naglalabasan na mga kakulangan upang labanan ang paglaganap ng coronavirus disease pandemic.
Inihayag ni Galvez na napabayaan ng husto ang health sector ng bansa kaya dapat may mga matitibay na mga batas ang mabuo ng Kongreso para rito upang hindi na gaano malaki ang kakaharapin na mga problema sa hinarap.
Ginawa ng kalihim ang panghihikayat matapos binisita nila ang ilang highly urbanized cities sa bansa at napahanga ng husto sa ipinapatupad na istratehiya ng local government unit ng Cagayan de Oro City nang magkita sila ni Mayor Oscar Moreno.