Lumaki pa ang tiyansa na maging susunod na prime minister ng Japan si Taro Kono.
Ito ang lumabas sa ikalawang opinion survey sa mga mamamayan ng Japan sa kung sino ang napipili nilang susunod na prime minster.
Si Kono ay minister na nangangasiwa sa paglaban ng COVID-19.
Base sa survey na mayroong 23% sa mga respondents ang pumabor kay Kono.
Pumangalawa naman sa survey si dating defense minister Shigeru Ishiba na nakakuha ng 21 percent habang si dating foreign minister Fumio Kishida ay nakakuha lamang ng 12%.
Ito na ang pangalawang beses na nanguna si Koto sa survey.
Magugunitang inanunsiyo ni Prime Minister Yoshihide Suga na hindi bababa na ito sa puwesto at hindi na tatakbo sa anumang posisyon sa ruling party na Liberal Democratic Party (LDP) na magsasagawa ng halalan sa darating na Setyembre 29.