Naghain na rin ng kandidatura si Bamban, Tarlac Mayor Eraño Timbang upang kumandidato bilang alkalde ng naturang bayan.
Si Timbang ay ang kasalukuyang alkalde ng Bamban matapos niyang palitan si Alice Guo kasunod ng pagtanggal sa kanya ng Office of the Ombudsman.
Si Timbang ang bukod-tanging konsehal ng Bamban na hindi pumirma sa Letter of No Objection para sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators(POGO) sa naturang bayan.
Maalalang maliban kay Alice Guo ay sinuspinde rin ang iba pang mga konsehal ng Bamban matapos ang kontrobersyal na operasyon ng POGO.
Nitong kalagitnaan ng Agusto nang nanumpa siya bilang pansamantalang alkalde ng Bamban.
Samantala, patuloy namang inaabangan kung maghahain ng kandidatura ang tinanggal na alkalde ng naturang bayan na si Alice Guo.
Pero dati nang nagpahayag ng kagustuhan ang kampo ng dating alkalde na maghahain ng kandidatura upang muling magpahalal bilang alkalde ng naturang bayan.