-- Advertisements --

Inihahanda na ang kaso ng kapulisan sa Makati laban sa konsehal na nakabangga ng dalawang sasakyan.

Sa imbestigasyon ng PNP, binabagtas ni Makati 2nd district councilor Nemesio “King” Yabut Jr ang kahabaan ng Ayala Avenue Extension ng ito ay bumangga sa kasabayang sasakyan.

Nabangga din nito ang sasakyan ng TV network na nakaparada sa harap ng Makati Police Station.

Agad namang isinugod sa pagamutan ang konsehal at sinasabing ito ay nakainom matapos na amining dumalo ito sa isang kasiyahan kagabi.