-- Advertisements --

NAGA CITY – Magbibigay umano ng pabuya ang isang Municipal Councilor sa sinumang makakapagturo sa pumatay at umano’y nanggahasa sa isang 14-anyos na dalagita sa Brgy. Dalupaon, Pasacao, Camarines Sur.

Sa isang facebook post sinabi nito na magbibigay ng P100-K na pabuya si Pasacao Municipal Councilor Jojo Bengua sa makakapagturo sa posibleng kinalalagyan at pagkakakilanlan ng suspek sa naturang krimen.

Mababatid, Enero 1, 2022 ng matagpuan na lamang na wala ng buhay ang biktima sa loob ng tinutukuyan nitong bahay at wala na ring pang-ibabang saplot.

Pinaniniwalaan din na isang kabra ang ginamit sa pagpatay sa biktima.

Samantala ayon din man sa pinakahuling pahayag ng PNP Pasacao, mayroon na silang mga persons of interest na iniimbestigahan kaugnay ng nasabing krimen.