-- Advertisements --

ILOILO CITY – Magbibigay ng reward money si Leganes, Iloilo Sangguniang Bayan (SB) Member Larry Labuson sa makakapagturo sa suspek na bumaril patay sa kanyang anak.

Ang biktima ay si Carl Dominic Labuson, 19 anyos, residente ng Barangay Carimayor, Leganes, Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay SB Member Labuson, sinabi nito na magbibigay siya nga P100,000 sa makakapagturo sa holdupper na pumatay sa kanyang anak.

Matandaan na tinugis lang ng biktima ang suspek sa isang robbery incident sa bayan ng Leganes, Iloilo at ng nakorner niya ang holdupper sa Metropolis Avenue, Jaro, Iloilo City, binaril siya nito sa ulo at dibdib na kanyang ikinamatay.