-- Advertisements --
Rogelio Concepion 2
Rogelio Concepcion/ FB post

DAGUPAN CITY — Patuloy ngayong inoobserbahan sa pagamutan ang isang miyembro ng sangguniang bayan ng Balaoan, sa lalawigan ng La Union at apat na iba pa matapos na tambangan ng hindi pa nakikilalang mga suspek.

Base sa inisyal na impormasyon na ipinarating sa Bombo Radyo Dagupan, pinaulanan ng bala ng hindi nakikilalang mga salarin ang convoy ni Sangguniang Bayan Member Rogelio Concepcion kaninang alas-8:18 nitong Biyernes ng gabi , habang binabagtas l ang kahabaan ng Brgy Nagsabaran Norte, Balaoan.

Bukod sa opisyal, apat na iba pang katao ang sugatan dahil sa insidente.

Agad na dinala sa pinakamalapit na pagamutan ang mga biktima habang si Conception ay inilipat sa mas malaking ospital dahil sa pinsalang tinamo nito.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.