BOMBO BACOLOD— Patuloy pa ang imbestigasyon ng Bacolod Police Station 2 tungkol sa paghold-up sa konsehal ng Bago City, Negros Occidental kung saan nacarnap rin ang awto nito.
Ayon kay Bago City Mayor Nicholas Yulo, si City Councilor Cleo Gaudite ang uminom ng kape sa Starbucks at pauwi na ng alas 03:00 ng hapon.
Umakyat ang konsehal sa kanyang sasakyan na Mitsubishi Mirage, at ipinahayag na umakyat din ang dalawang suspek at sinabihan ang opisyal na umalis na sila sa lugar at ito rin ang nagmaneho ng kotse.
Pumunta ang mga ito sa Imperial Court sa Gatuslao St. at ng makapasok sa Room 56, nagdeklara ng hold-up ang mga suspek.
Sinuntok ng mga ito ang opisyal at kinuha ang wallet at cellphone bago umalis ang mga ito sa lugar sakay sa sasakyan ng opisyal.
Binangga pa ng mga ito ang pintuan ng motel upang makatakas.
Iniwan ng mga suspek si Gaudite.
Ayon kay Yulo, parang abduction ang nangyari dahil pinilit ng mga suspek ang konsehal na magdrive at dinala pa ng mga ito ang sasakyan.
Nilinaw din alkalde na hindi nagdemand ng ransom ang mga suspek.
Hindi rin nagsumbong sa mga pulis si Gaudite tungkol sa nangyari.