GENERAL SANTOS CITY – Dead on the spot ang Association of Barangay Captains (ABC) President ng Glan Padidu, Glan Sarangani province matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Brgy. Lagao, lungsod ng GenSan.
Sakay ang biktimang si Isidrito Cañete sa kanyang sasakyan nang ito’y pagbabarilin ng hind pa kilalang mga suspek ng limang beses habang nakaupo sa harapang bahagi ng sasakyan.
Nakilala ang biktima sa pammaagitan ng mga identification card (ID) na nakuha sa posisyon nito.
Una rito, kinumpirma ni Glan Mayor Vivien Yap na kaniya pang nakasama ang sa huling meeting ang biktima.
Ayon sa alkalde, ang biktima ay kasalukuyang Barangay Captain ng Glan Padidu at ex-officio member sa Sangguniang Bayan.
Sa naging pahayag naman ng dating hepe ng Glan Municipal Police Station na ang biktima ay dati umanong napabilang sa Inter-Agency Drug Information Database (IDID).