-- Advertisements --
Pansamantalang ipinagpaliban ng SB19 ang kanilang konsiyerto sa Japan.
Nakatakda sanang ganapin ang “PAGTATAG World Tour: Japan” sa darating na Disyembre 8.
Hindi naman binanggit ng organizer ang sanhi ng nasabing pagkansela ng konsiyerto.
Humingi sila ng paumanhin sa kanilang fans dahil sa pagpaliban ng nasabing konsiyerto.
Sa mga susunod aniya na araw ay kanilang iaanunsiyo ang bagong petsa ng konsiyerto.