-- Advertisements --

Kinansela ng bandang Pearl Jam ang kanilang concert sa London dahil sa pagkakasakit ng grupo.

Ayon sa American rock band na hindi maiwasan ang insidente kaya minabuti na kanselahin ang concert na gaganapin saTottenham Hotspur Stadium.

Pinayuhan din nila ang mga nakabili ng tickets na kanila na itong irerefund.

Bagamat hindi na nagbigay pa ng karagdagang detalye ay mapapansin na nagkakaproblema sa boses ang lead vocalist nila na si Eddie Vedder noong concert nila sa Manchester.