-- Advertisements --
Iniurong sa taong 2025 ang pagsisimula ng Bataan-Cavite Interlink Bridge.
Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Maria Catarina Cabral na nagkaroon ng problema sa pagpopondo kaya naurong ang pagsisimula ng nasabing proyekto.
Itinuturing kasi na ito ang pinakamalaki at pinakamahal na proyekto ng gobyerno sa kasalukuyan.
Ang 32-kilometrong tulay ay unang sisimulan sana sa katapusan ng 2023 hanggang ito y iniurong sa kalagitnaan ng 2024.
Sa kasalukuyan ay isinasapinal pa ng DPWH ang financial arrangements sa Asian Development Bank (ADB).
Una ng inaprubahan ng ADB ang pagpopondo ng $2.1 bilyon noong Disyembre 2023 at ngayon ay nagpasya sila na sisimulan ang proyekto sa taong 2025.