Target ng pamahalaan na matapos ang kontruksiyon ng limang existing military bases sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa unang quarter ng 2024 matapos na maantala ng apat na taon dahil sa COVID-19 pandemic at iba pang mga isyu.
Ayon kay Department of National Defense (DND) Spokesperson Arsenio Andolong na naantala din ang konstruksiyon ng nasabing sites matapos na i-terminate ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2020 ang 1998 Visiting Forces Agreement (VFA) subalit muling ibinalik mahigit usang taon ang nakakalipas kasunod ng pagkikipagpulong noon ni Duterte kay US Defense Secretary Lloyd Austin.
Ayon sa gobyerno ng Amerika na naglaan sila ng $82 million para sa infrastructure investments ng limang existing EDCA sites.
Sinabi din ni Andolong na sa ngayon wala pa sa limang sites na ito ang nakumpleto dahil na rin sa mga nabanggit na dahilan.
Sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement, ang mga pasilidad ay inaasahang maitatayo para malinang ang interoperability ng mga sundalo ng Pilipinas at Amerika, build capacity, pagpapalakas ng AFP para sa external defense, pagtataguyod ng maritime security at humanitarian assistance and disaster response (HADR).