
Inaasahang makukumpleto na ang konstruksiyon ng Kaliwa dam asa taong 2026 at inaasahang magiging operational sa unang bahagi ng taong 2027 ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).
Ang kaliwa dam project ay isang bagong Centennial water source kung saan 85% dito ay pinondohan ng China at flagship project ng dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng “Build, Build, Build” infrastructure program.
Ayon kay MWSS Administrator Leonor C. Cleofas, 100 porsyento ng nakumpleto ang kontrata sa Engineering Corporation ng Chinapara sa pagdesinyo at konstruksiyon ng dam kabilang ang detalyadong engineering design
Isa sa mga component ng proyekto ang tunneling na sinimulan na at inaasahang matatapos sa kalagitnaan ng 2026.
Gayundin, target masimulan ang konstruksiyon ng dam sa oras na makumpleto na ang validation sa settlement ng 46 na mga pamilya na maaapektuhan ng proyekto.
Ayon pa sa MWSS official sa oras na matapos ang P12.2-billion Kaliwa Dam project inaasahang magsisimula itong makapagsuplay ng tubig sa taong 2027.
Tinatayang naaa 600 million liters na tubig kada araw ang maibibigay na suplay sa mga residente ng Metro Manila saklaw din ang ilang lugar sa bayan ng Tanay, Antipolo, at Teresa sa Rizal at General Nakar at Infanta sa Quezon.