CENTRAL MINDANAO – Ngayong buwan ng Hunyo sisimulan ang konstruksyon ng Cotabato City International Airport at Timako International Cargo at passenger seaport.
Itoy bahagi ng matagumpay na pag-uusap ng lokal na pamahalaan sa syudad ng Cotabato at China Engineering Construction Company.
Ito mismo ang kinumpirma ni Cotabato City Mayor Attorney Frances Cynthia Guiani Sayadi kasabay ng kanyang State of the City Address (SOCA).
Tinatayang aabot sa 30,000 ka tao ang makapagtrabaho sa itatayong airport at seaport.
Lubos namang nagpasalamat si Sayadi sa suporta at pakikiisa sa kanya ng mga Cotabateños sa loob ng tatlong taong panunungkulan nito bilang alkalde.
Humalili si Mayor Sayadi sa pumanaw niyang kapatid na si dating Mayor Japal Guiani Jr.
Naging matagumpay ang kampanya ng lokal na pamahalaan sa pagsugpo sa ibat-ibang krimin kung saan nanguna ang alkalde sa Ronda Patrol sa lungsod.
Nabuksan ang maraming trabaho sa mga itinayong mga malalaking mall at ibang mga establisemento kung saan naibsan ang kahirapan.
Itininuring si Mayor Sayadi ng mga Cotabateños na bayani ng bagong henerasyon dahil sa pag-unlad at paglago ng ekonomiya,pagsugpo sa ibat-ibang kreminalidad kagaya ng war on drugs at terorismo.
Tumanggap ng maraming parangal at pagkilala ang Cotabato City sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Sayadi.