-- Advertisements --
Screenshot 2019 05 07 16 59 41
IMAGE | Transportation Sec. Arthur Tugade/RTVM

Pormal ng sinimulan ngayong araw ang konstruksyon ng extension project ng Light Rail Transit Line 1 (LRT) patungong Cavite.

Sa ilalim ng proyekto, inaasahang nasa 25-minuto na lang ang biyahe ng mga commuter patungo at palabas ng Metro Manila mula sa kasalukuyang higit isang oras kapag pampublikong sasakyan.

May habang 11.7-kilometers ang panibagong extension ng LRT na bubuohin ng walong istasyon: Redemptorist, MIA, Asiaworld, Nino Aquino, Dr. Santos, Las PiƃĀ±as, Zapote at Niog.

Parte rin ng probisyon ng proyekto ang karagdagang dalawang istasyon sa Manuyo at Talaba.

Target ng pamahalaan na gawing operational ang unang phase ng proyekto sa huling quarter ng 2021.

“I want a partial operability on the last quarter of 2021. President Duterte has said to make the Filipino life comfortable. With the hottest moment today, our effort for today will boil down to make the Filipino life comfortable,” ani Transportation Sec. Arthur Tugade.

Kung maaalala, taong 2000 pa nang aprubahan ng National Economic and Development Authority ang proyekto. Naantala lang ito dahil sa iba’t-ibang issue gaya ng right of way.

Taong 2014 nang igawad ang P64.9-bilyon na proyekto sa Light Rail Manila Corporation.

Pero dahil ito rin ang pumalit sa operasyon at maintenance ng buong Line 1 noong 2015 ay naantala muli ang konstruksyon ng extension