-- Advertisements --
Kinumpirma ng Department of Transportation (DOTr) na simula sa sususnod na MIyerkules, May 8, ay uumpisahan na ang konstruksyon ng LRT 1 extension patungong Cavite.
Sa ilalim ng proyekto, inaasahang 30-minuto na lang ang biyahe ng mga taga-Cavite dahil sa mga istasyon na itatayo kadugtong ng kasalukuyang Baclaran station.
May habang 11.7-kilometers ang extension project na binubuo ng walong bagong istasyon sa Paranaque at Las Pinas City.
Target ng DOTr at Light Rail Manila Corporation na matapos ang konstruksyon sa huling quarter ng 2021.