Nagpapatuloy pa rin ngayon ang konstruksyon ng mga proyektong sinimulan ng gobyerno para sa mga benepisyaryo ng Support to the Barangay Program sa tatlong municipalidad sa Cagayan.
Ayon kay Atanacio Macalan Jr. In-charge sa monitoring team ng implimentasyon ng programa, target nilang matapos ang iba’t ibang mga proyekto bago matapos ang taong 2022.
Sinabi niya na kabilang sa mga natukoy na mga proyektong ginagawa ay ang paglalagay ng portable water system, solar system, solar drier facility, paaralan, health center, farm to market road at iba pa.
Gayonman, inihayag niya na ilan sa mga proyekto ay naantala nitong kasagsagan ng pandemya at dahil na rin sa kinailangan pang maglagay ng mga access road lalo na sa mga mahirap marating na lugar upang may madaanan ang mga heavy equipment at mga nagdadala ng materyales.
Maalalang nitong taong 2021 ay natukoy ang Brgy. Balanni, Sto Niño, Brgy. Apayao at Villa Reyno sa Piat at ang Brgy. Anurturo, Liwan at Minanga sa Rizal na mga benepisyaryo ng P20M na halaga ng mga proyektong nakasailalim sa programa ng End Local Communist Armed Conflict.
Pasok sa programa ang mga nasabing lugar dahil sila ang kabilang sa mga barangay na dating may presensya na ng rebeldeng grupo.
!