-- Advertisements --
Inilahad ng Department of Transportation (DOTr) na tila ‘full blast’ na ang isinasagawa nilang konstruksyon sa North-South Commuter Railway Project (NSCR).
Ito ang ibinahagi ng Department of Transportation Secretary Jaime Bautista hinggil sa nasabing proyekto.
Layunin nila na mas makapaghatid daw ng comfortable, accessible, safe, sustainable at affordable na biyahe sa mga pasahero rito.
Sinabi rin ni Sec. Bautista na magkakaroon din ng tinatawag na ‘airport express’ na siyang bahagi ng NSCR project, mula Clark International Airport hanggang Ninoy Aquino International Airport.
Samantala, patuloy naman ang ugnayan ng DOTr at NSCR contractors upang matapos ito sa 2029, at maisagawa naman ang partial operations sa taong 2027.