VIGAN CITY – Ipinagtanggol ng konsulada ng Pilipinas sa Hong Kong ang paggamit ni dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario ng diplomatic passport sa naunsiyaming biyahe nito sa nasabing bansa kahapon.
Ito umano ay isa sa mga pribilehiyo ng mga dating ambassador at dating kalihim ng nasabing ahensya.
Nabatid na kwinestiyon ni Senate President Tito Sotto ang paggamit ng dating kalihim ng diplomatic passport sa pagpunta nito sa Hong Kong para sa isang business deal.
Kahapon, hindi naman napahintulutang makapasok sa nasabing bansa ang dating opisyal matapos itong harangin sa immigration ng Hong Kong airport ng halos na anim na oras.
Una na ring nangyari ito kay dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales na hinarang din sa Hong Kong airport.
Ang dalawa ang nanguna kamakailan sa paghahain ng kaso laban kay Chinese President Xi Jinping.